Wednesday, August 31, 2016

#Realization Blg. 1 - Being a Late Bloomer Sucks

Hey Pipz, una sa lahat, I have to admit something.. Yes, I am a late bloomer in everything.. and thank God for not being a 40-year-old-virgin, but it still sucks.



When you involve too much on a person na you had thought to be your kaforever, marami ka talagang mamimiss na opportunity and i'm not talking about half of your life but your entire growth as a person as well. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat the whole fucking time I revolved and involved myself sa love story ng best friend ko, di ko narin pinapansin ang mga nagpaparamdam at mga willing na talagang ibigay ang puri makahalubilo lang ako. Di naman ako kagwaphan at lalong di naman kasikatan, ngunit ang pagiging masayahin, palakaibigan at marunong makinig making me into a well groomed and well trained Best Friend material, which all the girls cravingly wants. Yes folks, di pa talaga ginawang Boyfriend material kundi pang best friend lang talaga.

Kaya nga nakakarelate ako sa mga one-sided love best friends and team sawi character ng mga telenobela. Nyeta lang talaga at kung bakit ba ginawan ng mga characters like third-wheel, one-sided love, best friend ang lahat ng mga magagandang shows sa tv, I super hate it, bwesit.

Anyways, i wont settle for being that fucking third-wheel character, lalo na that i already tasted defeat. I have to renovate and reinvent myself to the person i should have become.

Work hard. Play Hard. Party Harder.


Been working my ass off, for what? para sa isang bahay at lupa, for whom? ah medyo blurry napo katanungan niyo.. next please..
I have to confess something, I became wild dahil sa mga kasamahan kong mga may balak. I came here as virgin as a pink caterpillar wanting to bloom as a fine man as i could be but nonononono they don't want me to be that goody-goody man. Sabi nga nila, If you want to experience the joy of having a night life, you have to find some basag friends for guidance. Well yeah ikaw yung papabayarin sa lahat ng pinaggagawa ninyu, but the hell you care, you deserve it.


Thou shall not Mix Drinks.



If you want to experience the real #YOLO, hala sige there's no one stopping you on doing that. Basta walang iyakan kinabukasan.


No Cuddling after Sex.



Haler you don't know that person.. and that person i think don't want to be cuddled to be man enough and run.. hahaha.. Ito may link ako from 8list.ph on how should be the proper etiquette after having a parausan after booze time...




Saturday, June 18, 2016

#PleaseExplain Blg.1 Saitama vs. Batman

Hi Pipz, maybe i need o explain kung bakit naging si Saitama na ang mukha ni Kiko ngayon at hindi na si Batman.

Kuha mula dito
Simple lang naman ang sagot diyan, dahil sawang-sawa na kasi ako sa palaging bumabahala sa lahat ng problema ninyu. Pangalawa, di na kasi ako emo, hehehehe. At pangatlo, gagamitin ko tong isang halimbawa kung paano tayo bilang first time blogero ang magkaroon ng ethics sa pag-uupload o dodownload ng mga pictures na sa atin at hindi galing sa atin.

UNANG PUNTOS: Pagiging Sawa Na Pamamahala #Slightlang

Kuha mula dito
Sa opinyon ko, naging sistema na ng kulturang pinoy ang pamamahala. Yun bang nakaasa na lamang sa mga imposibleng bagay ang lahat ng desisyon imbes na sa tamang diskarte o tamang pagplano ituon. kaya nga tayo tinawag na Juan tamad diba dahil narin siguro sa ating katamaran dahil kahit nga pagdedisisyon sa buhay tinatamad pa tayo at ipinapawalang bahala pa natin minsan.

Kuha mula dito
Noong una, ganito rin ako kung mag-isip, laging pinapamahala ang desisyon sa swerte o di kaya'y kay batman. Di naman lahat naging palpak, mga 10% lang slight ang naging tama the rest mali-mali na. Pero di na yan pwede ngayon, dahil kasama ng pagtanda ay ang pagkalagas ng mga buhok at pagmamature din ng slight. Di na pwedeng iasa kay batman ang mga desisyon, kailangan talagang planuhin ng maigi upang umasenso man lang ng slight. #Slightlang

Kaya nga wiling-wiuli ako kay Saitama eh, dahil cool lang, chilax lang. Pero alam mo yung may in depth planning siyang ginagawa kait naka poker face siya. Alam mong di pa niya alam may sulosyoon na agad at mababasa mo yan sa mukha niya.


PANGALAWANG PUNTOS: Let Bygones Be Katol #Emo/HopelessRomantic

Kuha mula dito
Sa mga di nakaka-alam, naging open ako noon about sa lovelife kong panot. Yup too make it short my blog was created because i was so overly and hopelessly romantic. And the worst part is sa best friend ko pa talaga ako nagpakatanga. Which is sadly today may hubby na siya, the good news im very much available at kung siya pa ang tatanungin napakalate bloomer ko raw, yes folks ngayon pa ako naging adventurous *wink if you know what i mean. Though i have some regrets and heartaches sa pagkawala ng una kong blog, pero nagpapasalamat rin ako dahil it help me moved on.

Past is past and i had moved on. Ika ko nga let bygones be katol, di na ako emo ngayon, and as the great Saitama always response..


PANGATLONG PUNTOS: Insert and Link

So andito na tayo sa panghuling punto ng ating talakayan at kung napapansin niyo mas marami na akong nilagay na mga pictures sa itaas in which the hell you care diba.. But we should as a blogger, dapat kasi tayo ang manguna bilang Agent of Shield Agent of Intellectual Rights. Ay, 'til next time nalang muna, bibitinin ko muna kayo dahil gusto kong medyo habaan ang usapin tungkol sa Intellectual Property Rights.




Kung nabitin naman kayo sa mga suhestiyon ko ay huwag kayong mag-alala dahil pagdi ako tinamad dadagdagan ko pa ng kung ano-anong kababawan ang mga tips ko sa susunod kong post. At kung mayroon kayong suggestion email niyo lang ako sa oc.kikz@gmail.com at siguraduhin kong maghahanap ako ng mga kasagutan o komento tungkol diyan.

Tuesday, June 14, 2016

#TIPS Blg.1 Paano Gumawa ng Blog

Hello guys, I'm back, yup medyo natagalan but tingnan niyo nga naman i'm very much alive and still kicking.. Anyways andito ako upang ibahagi sa inyo ang nakakalungkot at nakakahindik na pangyayaring maranasan ng isang blogista. Hindi ang mabash at lalong-lalo nang hindi mawalan ng readers. Yes ang mawalan ng Blog, di ko na kasi siya maopen at pati yung email account na ginagamit ko para dun ay di narin matagpuan ng google. Kala ko pa naman simpleng block lang ng gmail yun pero di ko rin naman alam kung bakit ako nablock. Tansya ko may kung sinong sinaniban ng inggit ang may pakana nun dahil sa kagadahan ng walang kwenta kung blog. Pero nakakapanghinayang parin talaga dahil halos anim na taon kung inalagaan ang blog nayun, andun na lahat pati kababawan at kawalang hiyaan ko pero nawala pa rin. Magkaganun man, di ako basta-bastang susuko, babangon ako't dudurugin ko silang mapag-api, char pang-awards ang hugot. sabi ko nga, uuli't na naman ako sa umpisa.


Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang umulit at magsimula sa umpisa. Feeling ko kasi redundant na at pag-umulit ka sa proseso nasasayang yung oras mo. Pero dahil nasimulan ko na 'to tatapusin ko narin lang. Binigyan din ako ng matinding ideya upang di rin naman ako mabored sa kakaulit.

TIPS SA MGA MAGBABALAK GUMAWA AT NAG-UUMPISA PA LANG GUMAWA NG BLOG

TAMANG TEMA. Sa tingin ko, marami na atang makukuhang imporamasyon kung paano ka mag-uumpisang gumawa ng sarili mong blog. Idadag ko pa ang sarili ko para mas dumami pa kami. hehehhe.. Umpisahan natin sa pagpili ng tamang tema, yun bang angkop sa panlasa mo. Gusto mo bang magbigay alam o impormasyon sa lahat ng tao sa pamamagitan  ng blog mo, o di kayay huhugot ka at mag-ala Angelica sa personal mong buhay, o di naman kayay magbenta ng kung ano-anong ani-anik dyan ikaw ang bahala. Basta tandaan mo lang na sa iyo ang blog na iyan at ikaw ang may responsibelidad sa lahat  ng ipopost mong kagaguhan dyan.

ILAHAD SA MADLA. Tulad nga ng sinabi ko isa sa pinakamahirap na parte ng paggawa ng isang blog ay sa umpisa dahil mangangapa ka pa talaga tulad ng paghanap ng mga tagasunod o follower at mga mambabasa. Ang ginawa ko noon ay naghahakot ng mga mambabasa, katulad ng pag-anunsyo ko sa aking mga social media, lalong lalo na sa facebook. Nilalagay ko ang mga links ng blog ko o minsan naman yung automatic feeder ng blog para hakot-hakot lang ng links walang ending. Inanunsyo ko rin sa aking mga kaklasi ang aking blog pakapalan na talaga ng mukha. Sumasali rin ako sa mga pacontest na ginagawa ng mga kapwa bloggers dito sa bloglandya, tulad ng taunang Blog Awards at mga short time blog-chain link na makikita mo kahit saan. Pumupunta rin ako sa mga iba't-ibang blogs at nag-iiwan ng mensahi sa comment section tulad ng "hoy ano,  maganda yung topic mo, punta ka rin dito sa blog ko", malay mo baka bisitahin ka rin niyan diba pakapalan talaga ng mukha.

PANATILIHING MAY LAMAN ANG BLOG. Oo, Huwag kang tamad, dahil nag-uumpisa ka pa nga, kailangan mong panatilihing may laman ang blog mo. Huwag mo ring gawing queue ang comment section sa pag-update ng blog mo at naku baka abutin ka ng siyam-siyam sa kalokohan mong yan. Post ka lang ng post unli lang walang limit. Siguraduhin mo ring may nakalagay na tags or meta tags sa bawat post mo para makita at searchable siya sa Google.

SIMULAN MO NA NGAYON. So ano pang ginagawa mo diyan? Simulan mo na kaya.





Kung nabitin naman kayo sa mga suhestiyon ko ay huwag kayong mag-alala dahil pagdi ako tinamad dadagdagan ko pa ng kung ano-anong kababawan ang mga tips ko sa susunod kong post. At kung mayroon kayong suggestion email niyo lang ako sa oc.kikz@gmail.com at siguraduhin kong maghahanap ako ng mga kasagutan o komnto tungkol diyan.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...