Sunday, April 09, 2017

#Hugot Blg.1 - Beauty and The Bes



Yung ginalingan mo pero hanggang bes lang talaga ang kayan niyang ibigay. Yung kahit hindi man lang nag-audition eh nanalo na kaagad. Pack-up ka na para di na medyo masakit, uwi ka nalang at better luck next time. And saklap, ang sakit, pero move-on din pag may time kasi alam mo namang hindi ka talaga mananalo pag si bes na ang nagsabing "Bes tama na, di ko na ikinatutuwa ang pagdrama mo dyan"


Hindi ito kwento tungkol sa isang babaing nagkaroon ng Stockholm Syndrome, hindi din ito kwento tungkol sa pagkakaroon mo bigla ng karamdamang ito, pero ganun na din yun. Di naman kasi pinilit ni besty na mafall ka sa kanya, di rin naman niya kasalanang pafall talaga ang mga gestures niya, ikaw lang talaga itong nagpapaka tanga.





Starring in a Major Role

Si Besty - ang hinayupak na kahit anong gawin mong kakadeny sa feelings mo, siya at siya parin ang laman ng bone marrow mo.

Mga Magulang Niya - Na palaging supportive sa inyung dalawa, kahit na ba may bf/gf siyang tunay pero in secret palaging sinasabi nila, huwag kang mag-alala anak ikaw parin ang manok namin. At aasa ka na namang tanga ka.

Ang mga kaibigan mong PRO at ANTI love Team ninyung dalawa - ang palaging naninisi o minsan nanghaharot sa kakatukso sa feelings mo. Na kala lang ni Besty ay tuksong harutan parang wala lang. Pero deep inside tinitresure mo yon, at mahiya ka naman tungkol don..




Ang BF/GF niya - ang tinutuing mong kaaway kahit wala naman siyang kaalam-alam na ikaw rin ang nang-aahas sa kaniya. Karma is a bitch ka ngayon.

At Ikaw - OO ikaw, starring ka rin dito dahil kahit anong gawin mo lovelife mo ito. At nasa iyong mga palad kong paano uusad ang kwentong iyong sinimulan, na kahit alam mong maraming isda jan ay dun ka pa rin sa besty mong ayaw niyang maging kayo.


NOW SHOWING IN ALL LOVE LIFE NATION WIDE..

2 comments:

  1. I was deeply in love with my bestfriend, and then i read this. And i was like, TANGINA MUCH NAMAN O, WITH FEELINGS. Hahaha! Grabe naman.

    Meron ako sequel- How I Ruined Your Father's Wedding. LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah ang ganda.. i want to read and watch it too.. para kasing marami rin makakarelate.. hahaha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...