Saturday, June 18, 2016

#PleaseExplain Blg.1 Saitama vs. Batman

Hi Pipz, maybe i need o explain kung bakit naging si Saitama na ang mukha ni Kiko ngayon at hindi na si Batman.

Kuha mula dito
Simple lang naman ang sagot diyan, dahil sawang-sawa na kasi ako sa palaging bumabahala sa lahat ng problema ninyu. Pangalawa, di na kasi ako emo, hehehehe. At pangatlo, gagamitin ko tong isang halimbawa kung paano tayo bilang first time blogero ang magkaroon ng ethics sa pag-uupload o dodownload ng mga pictures na sa atin at hindi galing sa atin.

UNANG PUNTOS: Pagiging Sawa Na Pamamahala #Slightlang

Kuha mula dito
Sa opinyon ko, naging sistema na ng kulturang pinoy ang pamamahala. Yun bang nakaasa na lamang sa mga imposibleng bagay ang lahat ng desisyon imbes na sa tamang diskarte o tamang pagplano ituon. kaya nga tayo tinawag na Juan tamad diba dahil narin siguro sa ating katamaran dahil kahit nga pagdedisisyon sa buhay tinatamad pa tayo at ipinapawalang bahala pa natin minsan.

Kuha mula dito
Noong una, ganito rin ako kung mag-isip, laging pinapamahala ang desisyon sa swerte o di kaya'y kay batman. Di naman lahat naging palpak, mga 10% lang slight ang naging tama the rest mali-mali na. Pero di na yan pwede ngayon, dahil kasama ng pagtanda ay ang pagkalagas ng mga buhok at pagmamature din ng slight. Di na pwedeng iasa kay batman ang mga desisyon, kailangan talagang planuhin ng maigi upang umasenso man lang ng slight. #Slightlang

Kaya nga wiling-wiuli ako kay Saitama eh, dahil cool lang, chilax lang. Pero alam mo yung may in depth planning siyang ginagawa kait naka poker face siya. Alam mong di pa niya alam may sulosyoon na agad at mababasa mo yan sa mukha niya.


PANGALAWANG PUNTOS: Let Bygones Be Katol #Emo/HopelessRomantic

Kuha mula dito
Sa mga di nakaka-alam, naging open ako noon about sa lovelife kong panot. Yup too make it short my blog was created because i was so overly and hopelessly romantic. And the worst part is sa best friend ko pa talaga ako nagpakatanga. Which is sadly today may hubby na siya, the good news im very much available at kung siya pa ang tatanungin napakalate bloomer ko raw, yes folks ngayon pa ako naging adventurous *wink if you know what i mean. Though i have some regrets and heartaches sa pagkawala ng una kong blog, pero nagpapasalamat rin ako dahil it help me moved on.

Past is past and i had moved on. Ika ko nga let bygones be katol, di na ako emo ngayon, and as the great Saitama always response..


PANGATLONG PUNTOS: Insert and Link

So andito na tayo sa panghuling punto ng ating talakayan at kung napapansin niyo mas marami na akong nilagay na mga pictures sa itaas in which the hell you care diba.. But we should as a blogger, dapat kasi tayo ang manguna bilang Agent of Shield Agent of Intellectual Rights. Ay, 'til next time nalang muna, bibitinin ko muna kayo dahil gusto kong medyo habaan ang usapin tungkol sa Intellectual Property Rights.




Kung nabitin naman kayo sa mga suhestiyon ko ay huwag kayong mag-alala dahil pagdi ako tinamad dadagdagan ko pa ng kung ano-anong kababawan ang mga tips ko sa susunod kong post. At kung mayroon kayong suggestion email niyo lang ako sa oc.kikz@gmail.com at siguraduhin kong maghahanap ako ng mga kasagutan o komento tungkol diyan.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...