Tuesday, June 14, 2016

#TIPS Blg.1 Paano Gumawa ng Blog

Hello guys, I'm back, yup medyo natagalan but tingnan niyo nga naman i'm very much alive and still kicking.. Anyways andito ako upang ibahagi sa inyo ang nakakalungkot at nakakahindik na pangyayaring maranasan ng isang blogista. Hindi ang mabash at lalong-lalo nang hindi mawalan ng readers. Yes ang mawalan ng Blog, di ko na kasi siya maopen at pati yung email account na ginagamit ko para dun ay di narin matagpuan ng google. Kala ko pa naman simpleng block lang ng gmail yun pero di ko rin naman alam kung bakit ako nablock. Tansya ko may kung sinong sinaniban ng inggit ang may pakana nun dahil sa kagadahan ng walang kwenta kung blog. Pero nakakapanghinayang parin talaga dahil halos anim na taon kung inalagaan ang blog nayun, andun na lahat pati kababawan at kawalang hiyaan ko pero nawala pa rin. Magkaganun man, di ako basta-bastang susuko, babangon ako't dudurugin ko silang mapag-api, char pang-awards ang hugot. sabi ko nga, uuli't na naman ako sa umpisa.


Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang umulit at magsimula sa umpisa. Feeling ko kasi redundant na at pag-umulit ka sa proseso nasasayang yung oras mo. Pero dahil nasimulan ko na 'to tatapusin ko narin lang. Binigyan din ako ng matinding ideya upang di rin naman ako mabored sa kakaulit.

TIPS SA MGA MAGBABALAK GUMAWA AT NAG-UUMPISA PA LANG GUMAWA NG BLOG

TAMANG TEMA. Sa tingin ko, marami na atang makukuhang imporamasyon kung paano ka mag-uumpisang gumawa ng sarili mong blog. Idadag ko pa ang sarili ko para mas dumami pa kami. hehehhe.. Umpisahan natin sa pagpili ng tamang tema, yun bang angkop sa panlasa mo. Gusto mo bang magbigay alam o impormasyon sa lahat ng tao sa pamamagitan  ng blog mo, o di kayay huhugot ka at mag-ala Angelica sa personal mong buhay, o di naman kayay magbenta ng kung ano-anong ani-anik dyan ikaw ang bahala. Basta tandaan mo lang na sa iyo ang blog na iyan at ikaw ang may responsibelidad sa lahat  ng ipopost mong kagaguhan dyan.

ILAHAD SA MADLA. Tulad nga ng sinabi ko isa sa pinakamahirap na parte ng paggawa ng isang blog ay sa umpisa dahil mangangapa ka pa talaga tulad ng paghanap ng mga tagasunod o follower at mga mambabasa. Ang ginawa ko noon ay naghahakot ng mga mambabasa, katulad ng pag-anunsyo ko sa aking mga social media, lalong lalo na sa facebook. Nilalagay ko ang mga links ng blog ko o minsan naman yung automatic feeder ng blog para hakot-hakot lang ng links walang ending. Inanunsyo ko rin sa aking mga kaklasi ang aking blog pakapalan na talaga ng mukha. Sumasali rin ako sa mga pacontest na ginagawa ng mga kapwa bloggers dito sa bloglandya, tulad ng taunang Blog Awards at mga short time blog-chain link na makikita mo kahit saan. Pumupunta rin ako sa mga iba't-ibang blogs at nag-iiwan ng mensahi sa comment section tulad ng "hoy ano,  maganda yung topic mo, punta ka rin dito sa blog ko", malay mo baka bisitahin ka rin niyan diba pakapalan talaga ng mukha.

PANATILIHING MAY LAMAN ANG BLOG. Oo, Huwag kang tamad, dahil nag-uumpisa ka pa nga, kailangan mong panatilihing may laman ang blog mo. Huwag mo ring gawing queue ang comment section sa pag-update ng blog mo at naku baka abutin ka ng siyam-siyam sa kalokohan mong yan. Post ka lang ng post unli lang walang limit. Siguraduhin mo ring may nakalagay na tags or meta tags sa bawat post mo para makita at searchable siya sa Google.

SIMULAN MO NA NGAYON. So ano pang ginagawa mo diyan? Simulan mo na kaya.





Kung nabitin naman kayo sa mga suhestiyon ko ay huwag kayong mag-alala dahil pagdi ako tinamad dadagdagan ko pa ng kung ano-anong kababawan ang mga tips ko sa susunod kong post. At kung mayroon kayong suggestion email niyo lang ako sa oc.kikz@gmail.com at siguraduhin kong maghahanap ako ng mga kasagutan o komnto tungkol diyan.


2 comments:

  1. welcome back.

    sad naman ng ganap sa luma mong blog, sayang yung mga posts. minsan kasi masarap balikan kung ano2x ang mga nasulat mo na.

    dun sa comment mo sa blogpost ko about davao, masaya sa davao, malinis, feel safe. di nga lang ako nagkaroon ng chance na makita in person ang phil. eagles. pero isa sa dapat balikan ang davao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay.. too sad nga.. anyways bet kong bumalik ka sana ngayong darating na kadayawan... mag-eenjoy ka talaga August 16 or whole 2nd week ng august..

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...